Idineklara ng Zamboanga City na lumaganap na ang kaso ng denguesa kanilang lugar, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Lunes.
Sinabi ng DOH, gumagawa na ng hakbang angCenter for Health Development of Zamboanga at Regional Epidemiology Surveillance Unit nito laban sa sakit.
Idinahilan ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction Council ang 893 dengue cases sa siyudad simula Enero 1 hanggang Abril 2.
Dahil dito, ipinatutupad na ng DOH ang protocol nito bilang tugon paglaganap ng sakit sa lungsod.
"These include dengue preventive measures meant to stop the disease vector, which is the Aedes aegypti mosquito. The public is being advised as to the risks, and what actions they can do to protect against the disease," banggit ng DOH.
Naglaan na ang city government ng dengue fast lanes at hiwa-hiwalay na silid sa mga ospital sa upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente.
Kaugnay nito, pinayuhan ng DOH ang publiko na ugaliing maging malinis sa kapaligiran upang hindi pamahayan ng mga lamok.
PNA