Kaagad na pinag-usapan ng mga 'online marites' ang viral video ng proposal ni UP Fighting Maroons basketball star Ricci Rivero kay Kapamilya actress Andrea Brillantes para maging jowa nito, matapos ang laban ng kanilang koponan kontra FEU Tamaraws na ginanap sa SM MOA Arena nitong Sabado, Abril 10.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/">https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/

Ngunit agad na nagbigay ng reaksyon dito ang 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza dahil sa palagay daw niya ay scripted lamang ang lahat.

"JUST IN: Ricci Rivero, iniwan si Sharlene San Pedro para kay Andrea Brillantes! Petsa ng unang pompyangan, inaalam ng aming team!"

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Agad namang pinalagan ni Sharlene ang paratang ni Xian sa pamamagitan ng serye ng tweets. Tinawag niya itong 'nagpapakalat ng fake news' at 'clout chaser'.

"Shoutout sa'yo Xian Gaza tama na pagpapakalat ng fake news. Napaka-clout chaser mo talaga di ko alam ba't may naniniwala pa sa mga walang basehan na chismis na kinakalat mo," ayon sa tweet ni Sharlene nitong Abril 9 ng gabi.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/10/sharlene-san-pedro-gigil-kay-xian-gaza-tinawag-na-nagpapakalat-ng-fake-news-at-clout-chaser/">https://balita.net.ph/2022/04/10/sharlene-san-pedro-gigil-kay-xian-gaza-tinawag-na-nagpapakalat-ng-fake-news-at-clout-chaser/

"Wala kasing nagkakagusto sa'yo ano kaya puro chismis kinakalat mo," saad pa niya.

"So sikat na kami nito? Chinichismis na kami eh."

Maging si Ricci mismo ay nakisali na rin sa pagbarda ni Sharlene sa online personality.

"HAHAHAHA wala kasi ata talaga may gusto jan kaya ganyan!" aniya, na niretweet ang isa sa mga tweet ni Sharlene.

Sa kabilang banda, patuloy pa rin si Xian sa pagpo-post niya laban kina Ricci at Sharlene.

"NEWS HEADLINE: RIVERO AT SAN PEDRO, BINANATAN SA TWITTER ANG PAMBANSANG MARITES NG PILIPINAS! KUNG HINDI NAMAN PALA TOTOO, BAKIT SOBRANG DEFENSIVE NILA?!" saad ni Xian at sa comment section nito ay naglapag siya ng mga screengrab na resibo na 'umamin' na umano sila sa real score nila sa panayam ni G3 San Diego.

Sa isa pang FB post, "BREAKING NEWS: SHARLENE SAN PEDRO, NATAGPUANG MALUNGKOT SA QUEZON CITY!"

"Aminin n'yo na kasi sa publiko ang totoo, na may something talaga sa inyo behind the camera, more than a love team. Nilandi ka ni lalaki in real life pero na-tropazoned mo siya after ka niya ayain ng totnak kaya nauwi siya sa kaibigan mong KSP ng taon," ayon pa kay Xian bagama't wala naman siyang pinangalanan.

Sa isa pang FB post ng Abril 10 ng madaling-araw, binanatan niya sina Ricci at Andrea. Batay sa post, pinalalabas ni Xian na 'scripted' lamang ang proposal at matagal nang mag-jowa ang dalawa.

"After mag-drama sa TikTok at umeksena kay Francine at Seth eh biglang nagpatuhog sa basketball player. Bida-bida ampucha. 'Baby, mag-propose ka sa akin after the game para bida na naman ako. Kunyare hindi pa tayo kahit sinagot na kita last week. Eeksena ako syempre. Shookt na shookt ang peg. Nasabihan ko na yung mga kukuha ng video. Kapag hinawakan mo na yung mic eh yun na ang cue nila to record us. Okay? I love you Ricci ng buhay ko! Muah!"

Sa comment section nito ay patuloy pang nagpatutsada si Xian:

"Maganda yung pagkakagawa ng script. 9/10 for me. Good job."

"Very delicate yung scene. One take lang talaga eh. Kumbaga sa Bollywood eh sumabog yung gasolinahan sa New Delhi tapos tumalsik yung kalaban hanggang Pakistan."

"Ayan ay nasusulat sa page 2 ng script, pinamagatang: "Ricci Rivero 3 Points Sa Ring Ni Brillantes."

"KUNG SILA EH MAPAPANIWALA NINYO SA KADRAMAHAN NA YAN, PWES HINDI AKO SILA."

Sinagot din niya ang patutsada nina Ricci at Sharlene na walang nagkakagusto sa kaniya.

"Walang nagkakagusto sa akin kasi hindi naman ako basketball player. Milyonaryo lang ako. Try mo alisin 'yang basketball sa buhay mo eh mukha kang poging tambay sa kanto na suma-sideline sa parlor tuwing alas tres ng madaling araw. Promise," banat ni Xian.

Samantala, wala pang tugon o reaksyon ang magjowang sina Ricci at Andrea tungkol dito.