Dahil sa mga natatanggap na batikos mula sa ilang mga netizen, muling nilinaw ni Herlene 'Hipon Girl' Budol na nagpaalam muna siya kay Pambansang Bae at Asia's Multimedia Star Alden Richards bago niya ito halikan nang bonggang-bongga sa pisngi, batay sa pinag-uusapan niyang TikTok video.

Marami kasi ang sumita kay Hipon Girl, na sasabak na sa pageant, na tila asiwa raw si Alden sa ginawa niya. Sa pangalawang pagkakataon kasi na magra-round 2 pa siya rito, umiwas na ang aktor at umalis na sa kaniyang tabi nang humilig pa siya sa likod nito. Magkakasama sila sa isang event noon sa Nueva Ecija at naganap ito noong Marso 31, 2022. Kasama pa nga rito si Daisy 'Madam Inutz' Lopez. Sina Herlene at Madam Inutz ay parehong nasa pangangalaga ni Wilbert Tolentino.

Sa comment section, agad na humingi ng paumanhin si Hipon Girl. Aniya, nag-sorry daw siya kay Alden at nagpaalam din.

"Sorry po sa mga nailang para kay Alden nag-sorry po ako after (teary-eyed emoji) at nagpaalam din," aniya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/05/herlene-budol-umiskor-ng-halik-kay-alden-humingi-ng-dispensa-sa-mga-nailang/">https://balita.net.ph/2022/04/05/herlene-budol-umiskor-ng-halik-kay-alden-humingi-ng-dispensa-sa-mga-nailang/

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"Di rin kasi okay yung ginawa niya eh, walang consent…"

"Nilapitan niya lang kasi nang biglaan, and nakita mong umiwas si Alden sa second time, parang malabo ‘yung assumption na she asked before the vid kasi."

"Saka if she really asked for consent, isn't it better na ipakita sa video? Pero still kitang-kita sa cam na nauncomfy si Alden."

May mga nagtanggol naman kay Alden sa mga nagsasabing suplado raw ito.

"Grabe ibang comments suplado daw si Alden?? Y’all ain’t be serious? Kissing without a consent??? Seriously???"

"Literally if sa babae ginawa 'yan their reaction would be different…"

"True. 'No means No' apply din sa mga kalalakihan."

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, sa isang video interview kay Herlene kasama si Rose Vega, isang Pilipina na napabilang sa American reality show na '90 Day Fiance' at nakatrabaho ni Hipon Girl sa isang episode ng 'Magpakailanman' o MMK ng GMA Network, inamin ni Herlene na ultimate fan siya ni Alden, kahit noong Kalyeserye days pa nila sa 'Eat Bulaga'. Doon isinilang ang phenomenal loveteam nila ni Maine Mendoza na 'AlDub' noong 2015.

Naglaro ang dalawa ng 'Spicy Meter'. Kinakailangan nilang bigyan ng rating mula 1 hanggang 5 ang mga Kapuso actor. Puring-puri si Herlene nang mabanggit na si Alden.

"Perfect 5 ako diyan. Kiniss-an ko pa nga, eh,” natatawang sabi niya. Saad pa ni Herlene, na-starstruck daw siya kay Alden dahil napakakinis ng mukha nito na parang sa mannequin.

“Ang kinis ng mukha, mannequin, walang lait, gano’n," bida pa ni Herlene.

Sa isang panayam sa kaniya ng GMA Network noong Abril, muling iginiit ni Herlene na nagpaalam siya kay Alden bago niya gawin ang halik.

"Bago po ako nag-video, nagpaalam na po ako. Marami lang po talagang tao noon kaya parang hindi lang po sa akin naka-focus si Alden.Kasi sabi nila, sumimangot daw. Hindi naman po ganoon. Sobrang bait ni Alden. Walang eme talaga."

"Kung may mali po ako, sorry. Sorry sa mga AlDub nation at Aldenatics. Isa po ako sa inyo kaya sobra lang 'yung kilig ko," aniya pa.

Samantala, wala pang reaksyon at tugon dito si Alden.