Talaga namang hindi na papakabog ang sumikat na online seller na naging housemate sa 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition' na si Daisy 'Madam Inutz' Lopez, dahil talaga namang hataw na hataw ang kaniyang showbiz career ngayon.

Bukod sa kaliwa't kanang Tv guestings ay kasama rin si Madam Inutz sa sweetcom nina Ultimate Heartthrob Piolo Pascual at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Kapamilya Network.

Kamakailan lamang, ibinida naman ni Madam Inutz ang guesting niya sa morning talk show na 'Magandang Buhay' kung saan naka-duet niya si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

"ISANG MALAKING KARANGALAN MAKA-DUET KO ANG INIIDOLO KONG SONGBIRD NG ASIA REGINE VELASQUEZ!!" ani Madam Inutz.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

"LAGI KO RIN TATANDAAN ANG BINIGAY MONG WORD OF WISDOM SA AKIN!! NAKAKA-INSPIRE AT NAKAKA-MOTIVATE!! AT LAHAT ETONG NANGYAYARI SA AKIN NGAYON AY DAHIL YAN SA INYO MGA INUTZ AT MGA PROUD TAMBAY."

May be an image of 5 people, people standing and indoor
Regine Velasquez, Madam Inutz, Samantha Bernardo, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros (Larawan mula sa FB/Madam Inutz)

Samantala, kinagiliwan naman ng mga netizen ang pagsayaw niya ng 'Jumbo Hotdog' ng Masculados na sinasayaw na rin ulit ngayon sa TikTok. Napa-TikTok raw siya habang naghihintay sa taping ng 'I Can See Your Voice' hosted by Luis Manzano.

Kayang-kaya pa raw niya ang pagsayaw ng naturang novelty song na pinasikat ng grupong Masculados.

"NAPATIKTOK MADAM INUTZ N'YO WHILE WAITING SA TAPING NG ( ICSYV) OHH JIIIVVAAA KAYA PA NI MADAM NYO MGA KAINUTZZZ MEDYO BUSY LANG MADAM NYO KAYA DI PA TAYO MAKA PAG LIVE SELLING. LOVE U MGA KAINUTZZZ KO LIVE TAYO SOON OHH JIIIVAAAA," ayon sa kaniyang caption.

Nagkomento naman dito si Herlene 'Hipon Girl' Budol na kagaya niya ay mina-manage ni Wilbert Tolentino.

"Madam Inutz… ate, how to be you?" tanong ni Herlene.

"Herlene Hipon Budol kapatid ikaw pa ba sisiw sa'yo 'yan," saad naman ni Madam Inutz.

Nagkomento rin dito ang manager niyang si Wilbert Tolentino.

"Madam Inutz, paturo nga ng steps tiii."

"Sige sir after nito derecho po ako jan HQ hehehee miss u," tugon naman ng komedyante.