Ibinida ng direktor na si Paul Soriano ang bet niya sa pagkapangulo at pagkasenador---walang iba kundi si presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, Jr. at senatorial candidate at dating kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Mark Villar, sa kaniyang latest Instagram post nitong Biyernes, Abril 8.

"With My President @bongbongmarcos and My Senator @secmarkvillar," saad sa caption ni Direk Paul sa kaniyang Instagram post, kalakip ang litrato nilang tatlo.

No description available.
Bongbong Marcos, Mark Villar, at Paul Soriano (Screengrab mula sa IG/Paul Soriano)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Kapansin-pansin naman na nag-react dito ang misis ni Direk Paul na si Toni Gonzaga, na tagasuporta rin ng UniTeam.

Ang huling Instagram post ni Direk Paul ay litrato nila nina Toni G at BBM, ilang araw matapos ang proclamation rally ng UniTeam sa Bulacan, kung saan siya ang naging direktor at ang misis naman na si Toni ang naging host at performer.

"My President @bongbongmarcos #PBBM," saad sa caption, na nag-react din ng emojis ang misis.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/10/from-pbb-to-pbbm-direk-paul-tinawag-na-my-president-si-bbm/">https://balita.net.ph/2022/02/10/from-pbb-to-pbbm-direk-paul-tinawag-na-my-president-si-bbm/