PANGASINAN - Nakumpiska ng mga awtoridad ang 35 na sako ng shellfish na nagmula pa sa Bolinao at ibebenta sana sa Magsaysay fish market sa Dagupan City nitong Biyernes ng umaga.

Binanggit ng Dagupan City Information Office, ang nasabing lamang-dagat na pinaniniwalaang may red tide ay nakumpiska ng grupo ni agriculture technologist Rolly Dulay ng City Agriculture Office, sa tulong ni Bantay Ilog chief Jessie Doria.

Ito ay kasunod na rin ng inilabas na kautusan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na bawal munang humango ng shellfish sa coastal waters ng Bolinao matapos magpositibo saparalytic shellfish poison (PSP) o red tide toxin.

“Ang mga shellfish na nakumpiska ay binubuo ng 26 na sako ng tahong, tatlong sako ng kalwit, at anim na sakong halaan. Ang mga ito ay itinapon na,” pahayag pa ng city information office.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nauna nang inihayag ng BFAR na hihintayin muna nilang umabot sa allowable limit ang shellfish toxicity level bago pahintulutan muli ang mga mangingisda na humango ng mga lamang-dagat sa baybayin ng Bolinao.