Nagbigay ng paalala si Sen. Alan Peter Cayetano sa kabaro niyang si Senate President Pro Tempore at acting Senate President Win Gatchalian.
Sa Facebook Live ni Sen. Alan nitong Sabado, Hunyo 6, sinabihan niyang mag-ingat si Sen. Win at huwag magpapagamit.
“[S]abi ko, mag-ingat si Senator Win. Kasi maganda naman ang future niya, ‘wag kang magpagamit sa Malacañang at do’n sa mga kasamahan mo kahit binibigyan ka ng high position,” saad ni Sen. Alan.
Matatandaang hindi ito ang unang beses na pinayuhan ni Sen. Alan si Sen. Win. Matapos ang nangyaring palit-liderato noong Hunyo 3, sinabihan niya ang kapuwa senador na huwag umastang Senate President dahil masisira nito ang political career.
Maki-Balita: Sen. Alan may payo kay Sen. Win: 'Wait for your time'
Ayon kay Sen. Alan, "Kung ako kay Sen. Win, I will not act as acting president because he knows it's illegal. Masisira 'yong buong career niya in the future.”
"You know I've been a senator since 2007. I thought never na ako magiging senate president. But I waited. Until binigay sa akin," dudgtong pa niya.
Tagumpay na naihalal si Sen. Win bilang acting Senate President at Senate President Pro Tempore matapos sumulpot noong Hunyo 3 sa plenary session si Sen. Chiz Escudero na bahagi ng Senate majority bloc.
Maki-Balita: Tawid-bakod na? Sen. Chiz, binulaga plenary session!