'MASISIRA 'YONG BUONG CAREER NIYA IN THE FUTURE'
Nagbigay ng payo si Senador Alan Cayetano kay Senador Win Gatchalian matapos ang pagpapalit ng liderato sa Senado.
Matatandaang ginulat nI Senador Chiz Escudero ang Senate plenary hall matapos siyang dumalo sa sesyon noong Miyerkules, Hunyo 3, ilang araw matapos ang hindi pagsipot ng Senate majority bloc sa kanilang plenary session.
Si Escudero na nauna na noong sumapi sa majority bloc ang siyang kumumpleto bilang ng 12 senador upang magkaroon ng quorum at rumatsada ang sesyon ng Senado.
Bunsod nito, agad na binakante ng Senado ang lahat ng posisyon, kabilang ang Senate President Pro Tempore kung saan naihalal si Gatchalian sa naturang posisyon at kalaunan ay idineklara bilang acting Senate President.
Maki-Balita: Tawid-bakod na? Sen. Chiz, binulaga plenary session!
Sa isang press conference nitong Huwebes, Hunyo 4, binigyang-payo ni Cayetano si Gatchalian.
"Kung ako kay Sen. Win, I will not act as acting president because he knows it's illegal. Masisira 'yong buong career niya in the future," ani Cayetano.
"You know I've been a senator since 2007. I thought never na ako magiging senate president. But I waited. Until binigay sa akin," dagdag pa niya.
"And I think Sen. Win is intelligent, studious, creative, ang dami kong adjective na sasabihin. So, ang aking lang kay Sen. Win, wait for your time... Okay na e, pinili ka na ng grupo mo pero kapag illegal ang pinagagawa sa'yo, huwag mong gawin. Mapapahamak ka lang."
Matatandaang kinilala ng Malacañang si Gatchalian bilang acting Senate President noon ding Miyerkules.
Maki-Balita: Malacañang, kinilala ang 'bagong mayorya' at liderato ni acting SP Gatchalian
Habang nitong Huwebes, muling nanindigan ang Palasyo para kay Gatchalian.