June 03, 2026

Home BALITA National

Malacañang, kinilala ang 'bagong mayorya' at liderato ni acting SP Gatchalian

Malacañang, kinilala ang 'bagong mayorya' at liderato ni acting SP Gatchalian
FILE PHOTOS

Kinilala ng Malacañang ang "bagong mayorya" at liderato ni acting Senate President Sherwin Gatchalian matapos mabakante ang lahat ng puwesto sa Senado dahil sa pagsipot ni Senador Chiz Escudero nitong Miyerkules, Hunyo 3.

Ginulat ni Escudero ang Senate plenary hall matapos siyang dumalo sa sesyon nitong Miyerkules, ilang araw matapos ang hindi pagsipot ng Senate majority bloc sa kanilang plenary session.

Si Escudero na nauna na noong sumapi sa majority bloc ang siyang kumumpleto bilang ng 12 senador upang magkaroon ng quorum at rumatsada ang sesyon ng Senado.

Bunsod nito, agad na binakante ng Senado ang posisyon ng Senate President Pro Tempore kung saan naihalal si Gatchalian sa naturang posisyon at kalaunan ay idineklara bilang acting Senate President. 

Maki-Balita: Tawid-bakod na? Sen. Chiz, binulaga plenary session!

National

'I'm still the legitimate, legal, moral Senate President!'—SP Cayetano

Kaugnay na Balita: Sen. Bam, pinasalamatan si Sen. Chiz

Kaugnay na Balita: 'Sen. Chiz do not believe in what they are fighting for!'—Sen. Erwin

Sa isang maikling pahayag, sinabi ni PCO Usec. Claire Castro na ang nangyaring sesyon sa Senado nitong Miyerkules ay naaayon sa batas. 

"Ang nangyari sa Senado ngayong hapon ay naaayon sa batas at rule of law," ani Castro. 

Dagdag pa niya, kinikilala at nirerespeto ng Malacañang ang desisyon ng aniya'y bagong mayorya at Gatchalian.

Samantala, sa isang pahayag, tinawag ni Senate President Alan Peter Cayetano na ilegal ang kudetang ginawa ng minority bloc. 

"This is an illegal coup d’état na may kasamang pagbabasura ng ating Konsitusyon. I warned everyone about this from day one," saad ni Cayetano.