June 03, 2026

Home BALITA National

'Sen. Chiz do not believe in what they are fighting for!'—Sen. Erwin

'Sen. Chiz do not believe in what they are fighting for!'—Sen. Erwin
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Idiniin sa publiko ni Sen. Erwin Tulfo na hindi raw naniniwala si Sen. Chiz Escudero sa ipinaglalaban ng Senate majority bloc kaya mag-isa itong dumalo sa sesyon ng Senado. 

Pagkatapos ito ng isinagawang quorum ng mga miyembro ng minorya sa Senado nitong Miyerkules, Hunyo 3, 2026, nang biglang dumalo sa sesyon ang miyembro ng majority bloc na si Escudero at makiisa sa minority. 

Matagumpay na tumayo bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President si Sen. Win Gatchalian upang mapalitan nila ang mga mamamahalang senador sa iba’t ibang Komite ng mataas na kapulungan ng Kongreso. 

Sa naging pahayag ni Tulfo sa isinagawa niyang press conference nito ring Miyerkules, sinabi niyang mapalad daw ang minorya dahil nabuwag ang samahan ng majority bloc. 

“We are very fortunate that one of them, the member of the majority, deformed,” pagsisimula niya. 

National

'I'm still the legitimate, legal, moral Senate President!'—SP Cayetano

Ani Tulfo, hindi raw nakikiisa at naniniwala si Escudero sa ipinaglalaban ng mayorya dahil mali raw iyon at para lamang sa ilan nilang kasamahang mga senador ang tinutulak na boycott sa Senado ng nasabing grupo.

“Sen. Chiz Escudero do not conform and do not believe [in] what they are fighting for,” aniya. 

Dagdag pa niya, “He believes na ‘yong kanilang ipinaglalaban ay mali po. Na iyong kanilang pambo-boycott ay para ipagtanggol lamang ang ilan sa mga kasamahan nila.” 

Diin ni Tulfo, nagdesisyon daw si Escudero na pumanig sa minorya para makapagsagawa sila ng quorum sa kabuuang 12 na bilang ng mga senador.

“The guy [Escudero] suddenly, by the decision today, to join [minority] para magkaroon po kami ng quorum,” saad niya. 

Pagpapatuloy niya, maituturing na lang daw kasing 22 ang kabuuang bilang ng mga senador sa Senado at nahahati ito sa 11-11 dahil nagtatago na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa nakaambang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) habang sumuko naman sa mga awtoridad noong Lunes, Hunyo 1, si Sen. Jinggoy Estrada. 

“We’re just considered twenty two now. So divide it by two, that’s eleven plus one is twelve. So we have a quorum,” pagtatapos ni Tulfo. 

Samantala, sa naging pahayag naman ni Escudero, mariin niyang sinabing hindi raw ito usaping tungkol sa politika dahil wala raw siyang sinasamahan o iniiwanang pangkat. 

“Hindi ito usaping pampulitika. Wala akong sinasamahan o iniiwanang grupo, pangkat o paksyon. Hindi ko sinasabi na may mali o tama o may nagkulang o nagmalabis kaninuman,” aniy. 

Giit ni Cayetano, hindi raw kasi puwedeng manatili na lang siya sitwasyong kinakaharap ng majority bloc dahil naapektuhan na raw ang Senado. 

“Ngunit hindi pwedeng manatili tayo sa ganitong sitwasyon. Ang naapektuhan na ay ang mismoong kakayahan ng Senado na gampanan ang kaniyang tungkulin sa bayan,” pagtatapos niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Tawid-bakod na? Sen. Chiz, binulaga plenary session!

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Raffy sa taumbayan: 'I'm very-very sorry… pero wala po kaming kasalanan sa minority’