June 03, 2026

Home BALITA Politics

Tawid-bakod na? Sen. Chiz, binulaga plenary session!

Tawid-bakod na? Sen. Chiz, binulaga plenary session!

Ginulat ni Sen. Chiz Escudero ang Senate plenary hall matapos siyang dumalo sa sesyon nitong Miyerkules, Hunyo 3—ilang araw matapos ang hindi pagsipot ng Senate majority bloc sa kanilang plenary session.

Si Escudero na nauna na noong sumapi sa majority bloc ang siyang kumumpleto bilang ng 12 senador upang magkaroon ng quorum at rumatsada ang sesyon ng Senado.

Bunsod nito, agad na binakante ng Senado ang posisyon ng Senate President Pro Tempore kung saan naihalal si Sen. Win Gatchalian sa naturang posisyon at kalaunan ay idineklara bilang acting Senate President. 

Matatandaang si Sen. Alan Peter Cayetano ang Pangulo ng Senado habang si Sen. Loren Legarda naman ang kaniyang Senate President Pro Tempore, bago ang sesyon nitong Miyerkules ng hapon.

Matapos ang tuluyang pagtatago ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at tuluyang pagkakaaretso kay Sen. Jinggoy Estrada, bumaba sa bilang na 11 ang miyembro ng Senate majority na tumabla sa 11 na bilang ng Senate minority.

Politics

Sa botong 265-14-8: Kiko Barzaga, tuluyan nang sinipa sa Kamara!

Sa pagdalo niya sa sesyon nitong Miyerkules ng hapon, may nilinaw si Escudero kung siya na nga ba ang hinihintay na ika-12 miyembro ng Senate minority.

“This is not a political contest. I am not taking sides. I am taking a stand for the Senate. My allegiance is not to any faction, personality, group or alliance. This is not about loyalty, betrayal, or choosing one group over the other—this is about duty,” ani Escudero. 

Samantala, tuluyan ding nabago ang mga pangunahing chairmanship ng ilang komite sa Senado matapos ang sesyon nitong Miyerkules ng hapon.

• Sen. JV Ejercito - Finance

• Sen. Tito Sotto - National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation

• Sen. Ping Lacson - Public Order and Dangerous Drugs, Accounts

• Sen. Erwin Tulfo - Accountability of Public Officers and Investigations (Blue Ribbon), Social Justice, Welfare and Rural Development

• Sen. Raffy Tulfo - Public Services

• Sen. Bam Aquino - Basic Education

• Sen. Kiko Pangilinan - Agriculture, Food and Agrarian Reform

• Sen. Risa Hontiveros - Health and Demography

• Sen. Lito Lapid - Games and Amusement

• Sen. Chiz Escudero - Urban Planning, Housing and Resettlement

• Sen. Migz Zubiri - Foreign Relations, Rules