Nagpaabot ng pasasalamat si Sen. Bam Aquino sa kabaro niyang si Sen. Chiz Escudero sa pagpasok nito sa Senado.
Ito ay matapos ang dalawang araw na hindi pagsipot ng Senate majority bloc simula nang arestuhin si Sen. Jinggoy Estrada para sa kasong plunder dahil sa pagkakasangkot sa maanomalyang flood control projects.
Sa latest Facebook post ni Sen. Bam nitong Miyerkules, Hunyo 3, pinuri niya ang katapangan at pagmamahal nito sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Aniya, “Maraming salamat, Sen. Chiz, sa inyong katapangan at pagmamahal sa ating institusyon ng Senado at sa ating bansa.”
“Balik trabaho, para sa bayan,” dugtong pa ni Sen. Bam.
Matatandaang dahil sa pagsulpot ni Sen. Chiz sa Senado ay nakapagbuo ng quorum ang Senate minority bloc.
Naihalal bilang bagong Senate President Pro Tempore si Sen. Win Gatchalian bilang kapalit ni Sen. Loren Legarda habang si Sen. Erwin Tulfo naman ang tatayong chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee na nasa pamumuno noon ni Sen. Pia Cayetano.