Muling inilunsad ang programang "Safe Trip Mo, Sagot ko' upang matulungan ang mga motoristang nagkakaaberyasa limang pangunahing expressway sa Luzon sa Mahal na Araw.

Sinabi ngMetro Pacific Tollways Corporation (MPTC), nangangasiwa sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite (CAVITEX), CAVITEX C5 Link, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX), ang nasabing programa ay mapapakinabangan muli ng mga motorista sa Abril 8 hanggang Abril 18, 2022.

Ito na ang ika-13 taon ng programa na may layuning magbigay sa mga motorista ng mas ligtas at lalong kumbinyenteng paglalakbay sa peak season.

Tampok sa programa ang karagdagang deployment ng patrol crews, traffic marshals, security teams, at toll plaza personnel upangsiguruhinang kaligtasan ng mga motorista.

Probinsya

Barangay chairman sa Ilocos Norte, pinagbabaril

Ang emergency medical services at incident response teams ay tutulong din at itatalaga sa strategic areas ng mga expressway.

Kabilang din sa programa ang libreng towing sa pinakamalapit na exit para sa Class 1 vehicles, magmula 6:00 ng umaga ng Abril 13 hanggang 6:00 ng umaga ng Abril 18.