Bihira lamang na nahahawaan ang mga tao sa lumalaganap na avian influenza H5N1 o bird flu, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.

Reaksyon ito ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa pahayag ng Department of Agricuture (DA) na naghihigpit na sila laban sa nasabing virus na kumalat na sa malaking bahagi ng Luzon.

"Hindi kinakailangan mag-alala ng publiko bilang ang chance po ng transmission ng avian flu sa mga tao ay mababa. Ayon po sa World Health Organization, ang transmission from birds to humans at humans to humans ng avian flu ay napaka-rare, ibig sabihin 'di po madalas nangyayari," paglilinaw ni Vergeire.

Gayunman, pinayuhan nito ang publiko na pairalin pa rin angminimum health standards, katulad ng pagsusuot ng face mask dahil ang bird flu ay isang uri ng virus na lumaganap na sa Bataan, Camarines Sur, Laguna, Nueva Ecija at Tarlac.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"Inaabisuhan ang publiko na umiwas sa paglapit sa wild birds o may ibong may sakit, o paglapit sa close contact na tao ng mga ibon o fowls na may sakit," babala pa ng opisyal.