Dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig ng Angat Dam, nagpasya na ang gobyerno na simulan na ang pagsasagawa ng cloud seeding operations sa lugar.
Ito ang kinumpirma ni Sevillo David Jr., executive director ng National Water Resources Board (NWRB), nitong Huwebes.
Nagtutulungan aniya ang Manila Waterworks and Sewerage System at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), upang maisagawa ang hakbang sa bahagi ng Angat watershed areas.
Sa pagsubaybay ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Bulacan nitong Huwebes, umabot na sa 190.94 meters ang water level ng dam at malapit nang maabot ang 180 meters na minimum operating level nito.
Ang nasabing water reservoir ay pangunahing pinagkukunan ng Metro Manila para sa kanilang 90 porsyentong suplay.
PNA