Sinita ng kontrobersyal na aktor na si Kit Thompson ang social media post ni 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza, tungkol sa kaniyang blind item noong Marso 19, 2022, sa kasagsagan ng isyu ng pambubugbog at pananakit umano ni Kit sa kaniyang nobyang si Ana Jalandoni.

"ALMUSAL BLIND ITEM: "SINETCH ITEY NA ISANG CONTINENTAL GIRLALOO ANG NAGPUNTA NG AMANPULO KASAMA ANG KANYANG 5'4" CHINESE SPONGKEY NA KALBO KAPALIT NG 250,000 PESOS? ANG NASABING LUXURIOUS VACATION AY NALAMAN NG JOWA NI BABAE TAPOS WAIT TULOG MUNA KO AT NAPIPIKIT NA ITULOY KO LATER PAGKAGISING GOOD NIGHT EVREBADEH," saad sa blind item ni Xian.

Shinare ito ni Kit na may caption na 'Stop spreading misinformation'.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Screengrab mula sa FB/Kit Thompson

Marami tuloy ang na-curious kung ano ba ang ibig sabihin ng 'spongkey', bagay na sinagot din niya.

"SPONGKEY is a noun, meaning a person who gives financial support in exchange for sexual favors or intimate relationship," ayon sa screengrab na ibinahagi niya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/21/ano-nga-ba-ang-ibig-sabihin-ng-salitang-spongkey-sa-pa-blind-item-ni-xian-gaza/">https://balita.net.ph/2022/03/21/ano-nga-ba-ang-ibig-sabihin-ng-salitang-spongkey-sa-pa-blind-item-ni-xian-gaza/

Samantala, matatandaang pansamantalang nakalaya si Kit dahil sa piyansa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/22/kit-thompson-pansamantalang-nakalaya-dahil-sa-piyansang-72k/">https://balita.net.ph/2022/03/22/kit-thompson-pansamantalang-nakalaya-dahil-sa-piyansang-72k/

Nagsagawa na rin ng press conference si Ana kasama ang kaniyang mga abogado. Inilahad ni Ana ang mga pangyayari sa likod ng ginawa sa kaniya ni Kit, noong Marso 28, 2022 sa Quezon City.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/29/kit-papatayin-daw-si-ana-kapag-iniwan-siya-akin-ka-lang-di-ka-puwedeng-mapunta-sa-iba/">https://balita.net.ph/2022/03/29/kit-papatayin-daw-si-ana-kapag-iniwan-siya-akin-ka-lang-di-ka-puwedeng-mapunta-sa-iba/

Batay sa pagsasalaysay ng aktres, pareho silang lasing ng nobyo habang naka-check in sila sa isang hotel sa Tagaytay kung saan na-rescue ito. Naganap umano ang insidente noong Marso 17, 2022. Selos umano ang naging puno't dulo ng away. Pinagselosan umano ng nobyo ang kaniyang ex-husband. Hiwalay na umano sila noon pang 2018.

Napunta sila sa ganoong usapan dahil may plano raw sanang pakasalan ni Kit si Ana. Mahal na mahal daw siya ni Kit, at siya raw ang nais na iharap nito sa dambana. Mahal na mahal din naman daw ni Ana si Kit.

"Tapos po, sabi niya mahal na mahal niya ako, ganun din ako sa kanya. Tapos po, may pina-delete po ako sa kanya na mga pictures namin sa social media. Tapos, naging okay naman po yung usapan namin," wika ni Ana.

Hanggang sa mabanggit ni Kit ang tungkol sa kaniyang dating mister. Dito na raw siya binantaan ni Kit na papatayin kapag hiniwalayan daw siya ng nobya.

"And then, ang next na po niya na tanong sa akin, 'Iniwan mo yung ex mo, di ba? Di ba, hiniwalayan mo siya?' 'Ako, pag iniwan mo ako, patayin kita.' Tapos, sabi niya, 'Akin ka lang, hindi ka puwedeng mapunta sa iba'" emosyunal na pagkukuwento ni Ana.

"Kaya nang sinagot ko siya, sabi ko sa kanya, 'Mahal kita, hindi kita iiwan, alam mo ‘yan.'"

Matapos nito ay lumabas siya ng kanilang unit para tawagan ang isang kaibigang babae na pinangalanan niyang 'Victoria'. May kahinaan daw kasi ang signal sa loob ng kanilang hotel room kaya nagtungo siya sa pangatlong palapag ng hotel upang makausap ang kaibigan. Sa puntong ito, nagising daw si Kit, lumabas ng kuwarto, at hinanap ang nobya.

Sa pamamagitan daw ng isang babaeng sekyu ay natunton ni Kit si Ana. Binitbit daw siya ni Kit pabalik ng kanilang kuwarto. Inakala raw ni Kit na iiwanan siya ni Ana.

Paghiga raw nila sa kama, agad daw siyang sinampal ng nobyo. Dito na nagpaliwanag si Ana kung bakit kinailangan niyang magtungo sa pangatlong palapag ng hotel. Nagalit daw si Kit nang iwanan niya ito.

Lagpas alas-singko ng hapon ng Huwebes, Marso 17, nangyari na umano ang bugbugan. Lagpas 7:00 ng gabi naman nang dumating ang mga pulis sa hotel para iligtas si Ana. Nagising daw si Kit dahil sa pagdating ng mga pulis.

Kuwento pa ni Ana, habang tulog ang nobyo matapos ang pambubugbog nito, sinamantala na ito ng aktres para makahingi ng tulong sa isang kaibigan sa pamamagitan ng FB Messenger. Marami nang pasa sa kaniyang mukha si Ana kabilang na ang bandang mata, kaya hirap na siyang makakita kung ano ang mga nai-chat niya.

Hindi lingid sa kaalaman ni Ana na may problema sa anger management ang nobyo.

Nagpadala naman ang talent manager ni Kit kay Ana ng pulumpon ng mga bulaklak at liham nang nasa ospital na ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/22/manager-ni-kit-thompson-may-pa-bulaklak-kay-ana-jalandoni/">https://balita.net.ph/2022/03/22/manager-ni-kit-thompson-may-pa-bulaklak-kay-ana-jalandoni/

Samantala, ibinahagi naman ni Atty. Faye Singson na naisalaysay sa kanila ni Ana na habang papunta pala sila ni Kit sa Tagaytay, nabanggit daw ni Ana na may shooting siya sa susunod na movie project niya. Matatandaang naging bahagi ang aktres sa pelikulang 'Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar' sa Vivamax.

Inuntag daw ni Kit si Ana kung may hubaran scene dito. Ayon naman kay Ana, imposibleng wala dahil sexy nga ang imahe niya.

"Magpapalamas ka na naman ng s*so?" tanong daw ng nobyo sa kaniya habang nilalamas nito ang boobelya niya. Matagal na palang pinahihinto ni Kit si Ana sa paghuhubad sa pelikula.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/30/kit-sinabihan-daw-si-ana-magpapalamas-ka-naman-ng-sso/">https://balita.net.ph/2022/03/30/kit-sinabihan-daw-si-ana-magpapalamas-ka-naman-ng-sso/

Samantala, wala pang tugon o pahayag ang aktor tungkol sa expose ng nobya.