Isang pulis ang namatay nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa Port Area, Maynila nitong Lunes ng madaling araw.

Dead on arrival sa Ospital ng Maynila si Corporal John Rudolf Cruz, 23, natakatalaga saAviation Security Group at taga-215 Prk Matias, Talavera, Nueva Ecija.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-Vehicular Traffic Investigation Section (VTIS), ang insidente ay naganap sa southbound lane ng Mel Lopez Blvd., sa Anda Circle, dakong 1:00 ng madaling araw.

Lulan umano ang biktima ng isang itim na Yamaha XSR 155, na may plakang 972-UBD, nang biglang sumalpok sa center island.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.