Nagtaas na rin ng presyo ng isda at gulay sa Metro Manila sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Bukod sa Balintawak market at Muñoz market, nagpatupad din ng dagdag-presyo ang Nepa Q-Mart sa Quezon City at National Capital Region (NCR).

Aabot hanggang ₱40 ang ipinatong sa presyo ng kada kilo ng carrot, kamatis, repolyo, at iba pang gulay.

Idinahilan naman ng mga negosyante, tumaas ang gastos sa pagbiyahe ng gulay na karamihan ay mula sa Benguet kaya nagtaas din sila ng presyo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagtaas din ang presyo ng galunggong, tilapia at bangus dahil na rin sa kakapusan umano ng suplay nito.

Kamakailan, inihayag ni League of Associations at the La Trinidad Vegetable Trading Post spokesperson Agot Balanoy naapektado nang husto ang mga magsasaka sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Aniya, problema rin ng mga magsasaka ang patuloy na smuggling activities na nagreresulta ng pagbaba ng presyo ng kanilang produkto.