BASILAN - Patay ang isang lider ng Abu Sayyaf Group (ASG) at nakatakas naman ang tatlong kasamahan matapos makasagupa ang mga sundalo sa Sumisip nitong Biyernes.

Kinilala ni Joint Task Force Basilan commander, Brig. Gen. Domingo Gobway, ang napatay na si Radmil Jannatul dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Naiulat na nagpapatrulya ang mga tauhan ng 5th Scout Ranger Battalion sa Sitio Center, Barangay Baiwas nang makasagupa si Jannatul, kasama ang tatlong tauhan nitong Marso 25.

Matapos makitang tumimbuwang na si Jannatul, agad na tumakas ang tatlong kasamahan nito, ayon sa militar.

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!

Idinagdag pa ni Gobway na si Jannatul ang pumalit sa puwesto ni Abu Sayyaf leader Furuji Indama nang mamatay noong Oktubre 2020.

Liza Abubakar-Jocson