Naabo ang isang pabrika ng bulak matapos masunog sa Quezon City nitong Lunes ng gabi.

Sa paunang report ng Bureau of Fire Protection (BFP), biglang sumiklab ang ground floor ng pabrika sa P. Dela Cruz St., Barangay San Bartolome at agad na kumalat ang apoy sa mga katabing kuwarto at sa waste disposal area.

Dakong 8:38 ng gabi nang maapula ang sunog.

Naiulat na ang naabong pabrika ay gumagawa ng bulak na may brand na "Happy."

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Sinabi pa ng BFP na walang nasawi o nasugatan sa sunog.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente.