May 08, 2026

Home BALITA Metro

HIV-AIDS Response Council, paiigtingin sa Maynila

HIV-AIDS Response Council, paiigtingin sa Maynila
Photo Courtesy: via MB

Inanunsiyo ng Manila Public Information Office (MPIO) na nilagdaan na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang City Ordinance No. 9179 na ipinasa ng ika-13 konseho ng lungsod. 

Ayon sa Facebook post ng MPIO nitong Sabado, Abril 25, layunin umano ng nasabing ordinansa na gawing mas komprehensibo at agaran ang pagtugon ng pamahalaang lungsod sa sexually transmitted infections (STIs), human immunodeficiency virus (HIV), at acquired immunodeficiency syndrome (AIDS).

Kabilang umano rito ang prevention, testing, treatment, care, support services, at information campaign para sa mga batang residente ng lungsod.

“Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na pangalagaan ang kalusugan, dignidad, at karapatan ng bawat Manileño, lalo na ng mga kabilang sa vulnerable communities at key populations,” saad ng MPIO.

Matatandaang inapura ng Department of Health (DOH) ang mga awtoridad noong Hunyo 2025 para gawing National Public Health Emergency ang sakit na HIV.

Metro

‘Drug-resistant bacteria,’ natagpuan sa 12 palamig sa Tondo

Ito ay matapos umabot sa 500% ang mga Pilipinong may edad 15 hanggang 25 na nagkaroon ng ganitong kaso.