Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pananambang sa isang tumatakbo sa pagka-alkalde sa Calamba, Misamis Occidental nitong Marso 13.

Sa ulat na natanggap ng PNP-Public Information Office, nakilala ang biktima na si George Matunog, Jr. na agad na isinugod saCalamba District Hospitalmatapos tamaan ng bala sa bahagi ng mukha.

Naiulat na pauwi na sana ang biktima at naglalakad sa Barangay Southwestern Poblacion, Calamba nang biglang barilin ng isang nakamotorsiklo.

“Our police personnel immediately conducted a hot pursuit operation to search for the gunman who, according to witness’ account, was wearing a yellow jacket at that moment,” sabi ni Carlos.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Hindi pa masabi ng pulisya kung may kinalaman sa pulitika ang insidente kahit pa kumakandidato ang biktima.

“The campaign for the local candidates is drawing near, so we have to re-examine the political climate in Calamba and all other LGUs. But for now, investigators are still gathering more evidence, including the testimony from the victim,” pahabol pa ni Carlos.