CAMP DANGWA, Benguet - Dalawang turista ang dinakip ng pulisya nang masamsaman ng₱500,000 halaga ng marijuana sa isang checkpoint sa Bakun ng nasabing lalawigan kamakailan.

Kinilala ni Benguet Provincial Police Office director, Col. Reynaldo Pasiwen, ang mga suspek na sina Merbyn Larawan Gravador, 45, taga-Calamba, Laguna at Samuel Flor Christian Singson, 23, taga-Antipolo City.

Aniya, dadaan na sana ang dalawa sa isang checkpoint nang maharang ang kanilang sasakyan sa Barangay Ampusongan at nang rekisahin ay natuklasan ang 5,000 gramo ng marijuana.

Dadalhin sana sa Metro Manila ang nasabing iligal na gamot nang masabatsila ng mga pulis.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa dalawang suspek na nakakulong na sa Bakun Municipal Police Station.