Nagbigay ng kaniyang mensahe para sa pagdiriwang ng 'International Women's Month' ang tinaguriang 'real-life Darna' na si Angel Locsin, nitong Marso 8, 2022, sa pamamagitan ng kaniyang social media accounts.

Para kay Angel, bawat babae ay maituturing na superhero.

"Every woman is a SUPERHERO," aniya.

"May we all shine, not just today but every single day! To all women, happy International Women’s Day!"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May hashtags itong #HappyInternationalWomansDay at #Babae.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"We must rise to the occasion as women and take the initiative. Happy International Women's Day, Ms. Angel!"

"Happy International Women's Day! May Darna."

"Lavarnnnn!!! babae tayoowww!❤️ Wag magpaapi! Huwag nating hahayaang apakan ang ating dignidad."

"Abante Babae!"

"You're our superhero❤️ #Darna ❤️."

Kilala si Angel sa tagapagsulong ng Women Empowerment.