Dadagdag ang Asia’s Fearless Diva at Kapamilya singer na si Jona sa ilan pang Pinoy artists na magtatanghal sa Dubai Expo 2020.

Sa March 6 lineup ng mga performers, inanunsyo ng Expo 2020 Dubai sa kani-kanilang social media na kabilang si Jona sa dagdag na mga Pilipinong magpe-perform sa Pinoy audience.

Basahin: Gonzaga sisters, JK Labajo, nakatakdang mag-perform sa World Expo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Larawan mula Expo 2020 Dubai

Makakasama ni Jona ang bandang Kamikazee at ang ngayo’s Kapuso comedian na si Pokwang.

“Rock out with Kamikazee, be enchanted by Jona, and laugh along with Pokwang—all in one special evening, this Sunday, 6 March, at 20:45 at the DEC Arena. See the Filipino icons at Expo 2020 Dubai,” saad ng Expo 2020 Dubai sa kanilang social media posts.

Kabilang sa mga suking performers sa World Expo ang mga Filipino artists kabilang na kamakailan si Darren Espanto, Bamboo, Moira, Gigi Delana, at ang bandang December Avenue.

Samantala, kamakailan ay inilabas na ng ABS-CBN ang official music video ng kanyang comeback track na Someone To Love Me, sa likod ng Filipino-American music producer na si Troy Laureta.