LAGUNA - Natimbog ng mga tauhan ng Police Regional Office - CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang most wanted person sa kasong child sexual abuse sa  Sta. Cruz, Laguna nitong Huwebes.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director Col. Rogarth Campo, ang akusado na si James Bon, alyas Jim, 27, barker, at taga- 117 Cosio St., Brgy. Poblacion 5 ng naturang bayan.

Paliwanag ni Campo, hindi na nakapalag ni Bon nang arestuhin ng mga awtoridad sa Brgy. San Pablo Sur, dakong 3:15 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng hukuman sa kasong paglabag saAnti-Child Abuse Law, sexual abuse, Republic Act 7610 (3 counts), at kasong Acts of Lasciviousness.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang akusado.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Itinakda naman ng hukuman ang kabuuang piyansang P2,000,000.00 para sa pansamantalang kalayaan nito.