Iniutos na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay ng pananambang kay Infanta, Quezon Mayor Filipina Grace America sa nasabing lugar kamakailan.

Nilinaw ni PNP chief information officer Brig. Gen. Roderick Augustus, ang task force ay pangangasiwaan ng matataas na opisyal ng Police Regional Office 4A (PRO4A).

Aniya, sinisiyasat na ngayon ng mga forensic investigators ang mga ebidensyang narekober sa pinangyarihan ng pamamaril sa panulukan ng Rizal at Zamora Streets Poblacion 1, Infanta.

“We are confident that this evidence will produce leads that will assist police tracker teams in follow-up operations,” sabi ni Alba.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“The Chief PNP, Gen. Dionardo Carlos is making available the personnel, capabilities, and resources of National Support Units to assist in the investigation and pursuit operations for the early solution of this case,” ayon pa sa opisyal.

Matatandaang paalis na sana ang alkalde sakay ng kanyang sports utility vehicle matapos magsimba nitong Linggo ng umaga nang pagbabarilin ng isang lalaki.

Aaron Recuenco