May 26, 2026

Home BALITA Probinsya

Bulalakaw, bumagsak malapit sa Bulkang Mayon!

Bulalakaw, bumagsak malapit sa Bulkang Mayon!
Photo courtesy: PHIVOLCS/FB


Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong Lunes ng gabi, Mayo 25, na isang bulalakaw ang bumagsak malapit sa hilagang bahagi ng Bulkang Mayon.

Batay sa pahayag na inilabas ng PHIVOLCS, nilinaw nitong hindi direktang tumama sa bulkan ang bulalakaw, sapagkat nag-disintegrate na ito bago pa man humampas sa lupa.

“Our review of seismic, infrasound and additional camera footages around the volcano indicate that the meteor disintegrated while in the atmosphere and did not strike the slopes of Mayon,” saad ng PHIVOLCS.

Batay sa pinakahuling ulat ng ahensya patungkol sa Mayon nitong Martes, Mayo 26, nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang bulkan.

Mataas pa rin ang aktibidad nito at pinapayuhan pa rin ang mga residente na iwasang pumasok sa anim na kilometrong radius Permanent Danger Zone ng bulkan.

Probinsya

Aso ng isang construction foreman, na-rescue sa gumuhong gusali sa Pampanga



Ipinagbabawal pa rin ang paglipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa ibabaw nito.