Ibinahagi ng Department of Tourism (DOT) na aktibo na silang nakikipag-usap sa Nation’s Girl Group, BINI, upang maging tourism ambassadors ng Pilipinas.
Sa panayam ng media kay DOT Sec. Dita Angara-Mathay nitong Martes, Mayo 26, ibinahagi niyang parte ng pakikipag-usap nila sa BINI ang pagkilala sa pagrepresenta ng girl group sa global stage noong Abril.
“We’re so proud that they unfurled the flag on the stage of Coachella. We congratulate them,” ani Mathay.
Sa kasalukuyan, wala pang tugon ang BINI sa tawag ng DOT dahil sa kanilang abalang paghahanda sa SIGNALS World Tour 2026.
MAKI-BALITA: 'So it begins!' BINI, nakatakdang mag-world tour ngayong 2026!
Matatandaang pinarangalan na rin ng DOT ang BINI sa pagiging first Filipino act na nakapagtanghal sa Coachella.
Kasama rin sa naging pagkilala ay si Sophia Laforteza, na Pinay member ng international girl group na KATSEYE.
MAKI-BALITA: DOT, pinarangalan BINI at KATSEYE dahil sa pag-represent ng Pinas sa Coachella