May 26, 2026

Home BALITA National

DOLE, ipinaalala guideline sa tamang pasahod sa Mayo 27 bilang ‘regular holiday’

DOLE, ipinaalala guideline sa tamang pasahod sa Mayo 27 bilang ‘regular holiday’
Photo courtesy: MB

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa tamang pasahod sa kanilang mga manggagawa sa Miyerkules, Mayo 27, na idineklarang “Regular Holiday.” 

Alinsunod sa Labor Advisory No. 09 ng DOLE, nakasaad na ang mga manggagawang papasok ay makakatanggap ng “double pay” o 200% ng kanilang arawang sahod. 

Para sa mga manggagawang lalagpas sa walong oras, ang employer ay obligadong magbigay ng karagdagang 30% ng hourly rate. 

Sa kabilang banda, ang mga hindi naman magtatrabaho sa araw na ito ay makakatanggap pa rin ng 100% ng kanilang sahod, ngunit kinakailangan na papasok ito o kaya’y nasa “leave of absence with pay” sa huling araw ng trabaho bago ang holiday. 

Saad pa ng DOLE, ang guideline ay hindi angkop sa mga kompanyang may mas mababa pa sa 10 manggagawa. 

National

BINI, target gawing tourism ambassadors ng Pilipinas–DOT

Sa kaugnay na ulat, ang Mayo 27 ay idineklara bilang “Regular Holiday” bilang komemorasyon sa Eid’l Adha, na isa sa pinakamalaking pagdiriwang ng relihiyong Islam.