“Pwede na.”

Iyan ang sagot ng dating celebrity housemate sa reality show na ‘Pinoy Big Brother’ na si Alexa Ilacad sa isang panayam nang tanungin kung malapit na bang maging sila ng kapwa celebrity housemate na si KD Estrada.

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbigay ni KD kay Alexa ng isang promise ring dahilan upang maging maugong ang mga haka-haka tungkol sa tunay estado ng kanilang relasyon.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

KD Estrada at Alexa Ilacad (Larawan mula sa IG)

Kwento ni KD, natutulog si Alexa sa kanyang balikat habang nakaupo sa isang couch nang ilagay niya ang singsing sa daliri ng dalaga at nang magising ito, doon lamang niya napansin na may singsing na sa kanyang daliri.

'What is the meaning of diz?' sigaw ng mga tagahanga nila.

Ngunit ayon sa dalawa, hindi pa sila mag-jowa. Dagdag pa ni Alexa, ayaw niya munang maging seryoso si KD sa pagpasok sa kanilang relasyon dahil baka nao-overwhelm lang sila sa mga nangyayari sa kanilang showbiz career.

KD Estrada at Alexa Ilacad (Larawan mula sa IG)

Mula nang maging opisyal na loveteam ang dalawa, samu’t-saring proyekto ang nakahain na para sa kanila. Magkakaroon ng Fan Conference na pinamagatang 'Closer' ang dalawa sa darating na Sabado, Pebrero 26, 2022.

Ikinagalak naman ng KDLex ang suporta ng kanilang mga tagahanga dahil sold out ang VIP tickets para sa nasabing event. Ayon kay Alexa, aawitin nila ang mga isinulat nilang kanta noong nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya at mga kantang alam nilang magugustuhan ng kanilang mga tagahanga.

KD Estrada at Alexa Ilacad (Larawan mula sa IG)

Itatampok din ang KDLex sa isang teleserye na eere sa darating na summer.