NEGROS OCCIDENTAL - Puspusan na ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na pananambang saSan Carlos City nitong Linggo na ikinasawi ng tatlong katao.

Sa pahayagni San Carlos City Police deputy chief, Lt. Ruby Aurita, sinisilip na nila ang mga detalye ng kaso. Posible aniyang may kinalaman sa insidente ang mga rebelde o sindikato ng droga dahil ang may-ari ng sasakyang tinambangan ay sangkot umano s illegal drugs.

Kinilala ni Aurita ang tatlong napatay na sinaAndre Fajardo, 18, taga-Barangay 6; Russel Bucao, 40, taga-Brgy. Rizal; at Rudy Dela Fuente, 52, taga-San Juan Baybay ng nasabing lungsod.

Isinugod naman sa ospital si Renante Chui, 27, taga-Brgy. 6, San Carlos City, matapos masugatan sa insidente.

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upan ang biktima!

Aniya, papunta sana ang mga biktima sa sabungan, lulan ng isang kotse nang pagbabarilin sila ng apat na hindi nakikilalang lalaki sa liblib naHacienda Villa Lina, Brgy. Palampas.

Dead on the spot aniya sina Fajardo at Bucao habang binawian naman ng buhay sa ospital si Dela Fuente dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Aniya, posibleng inabangan ng mga suspek ang mga biktima.

Narekober sa crime scene ang 58 na basyo ng bala ng 5.56 mm assault rifle.

Glazyl Masculino