May 25, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Totoo bang nakatutulong ang seafood para sa kondisyon ng thyroid?

Totoo bang nakatutulong ang seafood para sa kondisyon ng thyroid?
Photo courtesy: Pexels

Maliit mang maituturing, ang thyroid ay importante sa pangkabuoang kalusugan ng isang indibidwal dahil may kakayahan itong kontrolin ang iba’t ibang functions ng katawan tulad ng metabolism, pagbaba o pagtaas ng timbang, at heart health, at mental well-being. 

Batay pa sa pag-aaral ng Johns Hopkins Medicine, ang dalawang “main hormones” na inilalabas ng thyroid ay ang triiodothyronine o T3 at thyroxine o T4, na nakatutulong sa paglalabas ng enerhiya ng katawan. 

Kaya ang pagkakaroon ng kaunti o sobrang hormones mula sa thyroid ay nauuwi sa imbalance at kapansin-pansin na mga pagbabago sa katawan. 

Sa hypothyroidism, kung saan ang thyroid gland ay hindi nakapaglalabas ng thyroid hormones, and indibidwal ay maaaring makaranas ng madaling pagkapagod, biglaang pagbigat ng timbang, panunuyot ng balat, constipation, at depresyon. 

Sa kabilang banda, ang hyperthyroidism naman ay ang kondisyong naglalabas naman ng sobrang hormones ang thyroid gland, kaya ang indibidwal ay maaaring makaranas ng hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, iregular na tibok ng puso, pagiging iritable, madalas na pagdumi, at heat intolerance. 

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Kaya bagama’t isa sa mga sikat na paniniwala ay ang pagkain ng seafood para sa maayos na pangkalahatang thyroid health, mahalagang tandaan na depende pa rin ang pagkain nito kung may existing hypothyroidism o hyperthyroidism. 

Para sa mga may hypothyroidism, malaking tulong ang seafood tulad ng salmon, tuna, sardinas, cod o bakalaw, dried seaweed, oysters, at hipon, dahil sa mataas nilang iodine content upang makapagpalabas ng sapat na hormones ang thyroid gland. 

Kasama rin dito ang dairy products tulad ng gatas at yogurt, na mayaman din sa iodine, calcium, at protein. 

Gayundin ang nuts tulad ng hazelnuts, walnuts, macadamia, at peanuts, na mayaman sa selenium, na nagsisilbing antioxidant protection at suporta ng resistensya upang maiwasan ang pamamaga sa katawan. 

Sa mga tao namang may hyperthyroidism, ipinapayo ng mga eksperto na iwasan ang mga pagkaing may mataas na iodine-content tulad ng seafoods, dairy products, iodized salt, caffeine, at soy-based products tulad ng tokwa, soybean oil, at toyo. 

Pati na rin ang ilang pagkaing may mataas na sugar-contents dahil sa pagkakaroon ng hyperthyroidism, ang isang indibidwal ay may mataas na panganib ng Type 2 Diabetes. 

Kasama dito ang cakes at iba pang uri ng pastries, syrups, at soft drinks. 

Sa kabilang banda, katulad ng hypothyroidism, nakatutulong ang selenium upang ma-regulate ang lebel ng hormones sa thyroid gland, para sa mga may hyperthyroidism.