May 26, 2026

Home BALITA National

Sa 'No Election' issue: PBBM, inismiran lang mga paratang ni Manang Imee niya

Sa 'No Election' issue: PBBM, inismiran lang mga paratang ni Manang Imee niya
Photo courtesy: Screenshot from ABS-CBN News via Kat Domingo (X)/Imee Marcos (FB)

Nahingan ng reaksiyon si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. kung ano ang masasabi niya sa mga pasabog ng kaniyang ateng si Sen. Imee Marcos, na umano'y may nilulutong "no election" sa 2028 para mapahaba ang kaniyang termino sa posisyon at hindi makatakbo sa pagkapangulo si Vice President Sara Duterte.

Noong Lunes, Mayo 25, naging usap-usapan ang pasabog na video presentation ng senador sa kaniyang privilege speech, kung saan, ibinuking niya ang umano'y patungkol sa Charter Change (Cha-Cha) o pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Ang naturang video ay nagpapakita ng umano'y pagsulong ng Cha-Cha sa pamamagitan ng Constitutional Assembly o Con-Ass, na kinasasangkutan ng ilang mga senador mula sa minority bloc, at ilang mga solon sa Kamara.

Mariin namang kinondena ng mga senador sa minority bloc ang mga nabanggit na alegasyon, at isa na nga rito si Sen. Juan Miguel Zubiri.

Maki-Balita: Sen. Zubiri umalma kay Sen. Marcos ukol sa cha-cha: 'Inday badiday na ba tayo rito'

National

35% na Pinoy, naniniwalang malusog si PBBM habang 30% ang hindi!—SWS

Nitong Martes, Mayo 26, habang naglalakad si PBBM kasama si First Lady Liza Araneta Marcos at iba pang presidential staff, na-ambush interview ang Pangulo kung anong masasabi niya sa mga isiniwalat ng ateng si Sen. Imee, na 'No-El" o no election.

Sa halip na sumagot nang diretsahan, isang "smirk" o pag-ismid lang ang itinugon ng Pangulo at umalis na.

Samantala, pinabulaanan din ng Palasyo ang nabanggit na alegasyon, sa pamamagitan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro.

Inilarawan niya ang mga akusasyon ng senadora bilang "diversionary tactics."

Diin ni Castro, malapit na rin daw kasi ang pagsasagawa ng Senate Impeachment Court ng paglilitis sa impeachment case na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte.

“Nalalapit na po ‘yong impeachment trial. Alam naman natin kung ‘yong gusto ni Sen. Imee pagdating sa impeachment trial,” wika niya.

Dagdag pa niya, “Wala pa ngang trial pero parang meron na siyang judgment.”

Maki-Balita: Usec. Castro sa Cha-Cha ni Sen. Imee: 'Diversionary tactics!'