Muli na namang natimbog ang 'Pilipinas Got Talent' o PGT season 6 third runner up na si Mark Joven Olvido dahil sa pagbebenta umano ng droga, sa Sitio San Miguel, Barangay Duhat, Sta. Cruz, Laguna noong Biyernes ng gabi, Pebrero 18, 2022.

Ayon sa ulat, nahuli si Olvido sa isinagawang buy-bust operation nang mapagbentahan niya ang asset ng pulisya na gumamit ng mark money na nagkakalahagang ₱500.

Bukod dito, nakuhaan din si Olvido ng pinaghihinalaang shabu na may street value na ₱85, 000. Nadakip ang PGT finalist na nakilala sa vape tricks dahil sa impormasyong nakalap ng Drug Enforcement Unit (DEU) na siya ring dumampot sa huli.

Una nang nadakip ng pulisya si Olvido noong Mayo 2021 nang harangin siya ng mga awtoridad dahil wala siyang lisensya sa pagmamaneho ng tricycle. Bukod sa naging arogante, dito na nakita ang pakete ng shabu na nagkakahalaga namang ₱2,000. Nakalaya siya dahil sa plea bargaining agreement.

'4th life!' Kuya Kim Atienza, ligtas sa aksidente

Screengrab mula sa MB/Mark Joven Olvido

Bago sumali sa mga PGT ay nagsisilbi na siyang ekstra sa mga pelikula. Napabilang siya sa teleseryeng 'FPJ's Ang Probinsyano'.