Pitong taon na raw na walang ka-Valentine's ang mahusay at guwapong Kapamilya actor na si JM De Guzman, ayon sa kaniyang Instagram post noong mismong araw ng mga puso.

Makikita na para bang naglalakad-lakad siya sa loob ng isang mall, batay sa ibinahagi niyang video.

"7th year valentines.. still single," saad sa caption ni JM.

Ngunit nagwala naman ang mga netizen sa sumunod na caption ng aktor.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Hanap nang hanap… baka nasa comments section ka lang."

Screengrab mula sa IG/JM De Guzman

Nagbiro naman dito ang kaibigan niyang Kapuso actor na dating Kapamilya na si Jason Abalos.

"Ehem, beke nemen eke ne yen," biro ni Jason na alam naman ng lahat na karelasyon ng beauty queen na si Vickie Rushton.

Dumagsa ang mga girls at 'feeling girls' na matagal nang 'takam na takam' kay JM at 'nagbabaka-sakaling' mapansin.

"@1migueldeguzman ako na lang hehe."

"@thejasonabalos woooyyy wag mo naman agawin sa 'kin si JM, Kuya. Please lang hahahahah ???."

"I love u Pogi!!!!"

"7th din ako still single ?."

"Hello crush @1migueldeguzman since “That thing called TADHANA” Been single for 7 yrs too, baka naman ma notice mo na ko charrrrr???."

"7 yrs na din akong naghihintay sayo, @1migueldeguzman ❤️."

Batay sa kaniyang mga IG post ay mukhang abalang-abala si JM sa kaniyang personal na buhay at nakalinyang trabaho.