Hindi pa rin nakababangon ang Barangay Ginebra sa sunud-sunod na pagkatalo matapos tambakan ng kalabang TNT Tropang Giga, 119-92 sa pagpapatuloy ng 2021 PBA Governors' Cup sa Smart-Araneta Coliseum nitong Biyernes ng gabi.

Dahil sa naturang tagumpay ng Tropang Giga, umangat na sila sa 4-4 panalo-talo habang nabaon naman ang Gin Kings sa 3-3 panalo-talo.

Nanguna sa lokal si Ryan Reyes sa natipang 24 puntos sa 8 out of 9 na pinakawalan niya sa three-point area.

Umagapay din kay Reyes si Mikey Williams sa 26 puntos nito, tampok ang 4 na three points. Nagdagdag din sa kanila si Jayson Castro sa pinakawalang 18 puntos.

Nabale-wala naman ang 25 puntos ni Justin Brownlee, bukod pa ang siyam na rebounds habang nakaipon naman si Japeth Aguilar ng 18 puntos.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

Naging sunud-sunod na ang pagkatalo ng Ginebra mula noong Disyembre 25 kung saan tinambakan sila ng 23 puntos ng Magnolia.