Ibinida ng Kapamilya actor na si Enchong Dee ang mga litrato at video clips nila ng mga kapwa 'Pinoy Big Brother' (PBB) hosts na sina Kim Chiu, Robi Domingo, Melai Cantiveros, at ang bagong main host nito na si Bianca Gonzalez, sa naganap na PBB 2nd adult eviction night.
"The Kapamilya Way brings out the Best in all of us. Last night, was a testament that no matter what we go through, we will #Thrive because we have each other.❤️??" caption ni Enchong sa kaniyang Instagram post.
"I’ve always considered myself as an actor who loves to host and perform. Buti na lang kasama ko kayo @iamsuperbianca @iamrobidomingo @chinitaprincess @mrandmrsfrancisco. Saludo ako sa puso at professionalism ninyo… kahit grabe ang kaba natin kagabi napagtagumpayan natin ang hamon??."
Binati rin ni Enchong ang kanilang mga kasamahang nasa likod ng camera.
"Sa lahat ng kasamahan namin sa likod ng kamera, mga staff at crew na grabe ang sakripisyo para sa @pbbabscbntv kasama n'yo kami sa paglalakbay. At sa mga supporters ni Kuya… Maraming Salamat!"
Ibinida rin nila ang kanilang core values.
Ang bagong 'Pamilya ni Kuya' ay pawang nakaranas nang maging housemates sa loob ng Bahay ni Kuya.
Matatandaang nagbitiw sa kaniyang tungkulin ang main host nitong si Toni Gonzaga matapos ang makuwestyon ng mga netizen at mga dati at kasalukuyang katrabaho sa Kapamilya network ang delicadeza nito, nang maging host ng UniTeam proclamation night noong Pebrero 8, kung saan isa sa mga ipinakilala nito si Cong. Rodante Marcoleta, isa sa mga kongresista na gumisa sa ABS-CBN sa pagkuha nito ng franchise renewal noong 2020.
Ngunit bago pa man ang personal na pagbabahagi ng pagbibitiw sa kaniyang Instagram post, nauna nang lumabas ang bali-balitang ito sa tweet ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/09/evicted-toni-gonzaga-napaulat-na-mawawala-na-sa-pinoy-big-brother/
Ilang minuto lamang ay binasag na ni Toni ang kaniyang katahimikan sa pamamagitan ng isang art card.
"It has been my greatest honor to host PBB for 16 years," saad ng TV host-actress.
"From witnessing all my co-hosts' transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya!"
"Today, I'm stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy. It has been my privilege to greet you all with 'Hello Philippines' and 'Hello World' for the last 16 years."
"I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart. Thank you Kuya for everything."
"This is your angel, now signing off…"
Bukod sa kaniyang mensahe, kalakip din nito ang kaniyang litrato habang nasa entablado ng PBB.
Kaagad namang nagkomento rito ang dati niyang co-host na si Mariel Rodriguez-Padilla, ang misis ni senatorial aspirant Robin Padilla. Sinambit niya ang sikat na linyang 'Welcome to the outside world' na sinasabi ng mga host sa mga na-eevict na PBB housemates tuwing Eviction Night.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/09/mariel-kay-toni-welcome-to-the-outside-world/
"I love you Toni. You are a friend and a sister FOREVER. Welcome to the outside world, Toni."
Pati ang magsisilbing main host at pinagbilinan ni Toni na si Bianca Gonzalez ay nag-iwan din ng makabagbag-damdaming mensahe para sa kaniya. Si Bianca ay isang Kakampink o tagasuporta ni Vice President Leni Robredo.
"Nobody can ever take your place and do it like you, @celestinegonzaga, nag-iisa ka. Love you both."
Tumugon din kaagad dito si Mariel, "@iamsuperbianca, friendship goes beyond work, beyond religion, beyond politics… beyond it all. Go make us proud B! You got this! We believe in you!"
Sina Toni, Bianca, at Mariel ang tinaguriang 'Kuya's Angels'.
Samantala, nagpahatid din ng mensahe ang mismong kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga.
"You’re a queen forever! Nobody does it like you do sissszzz," wika ni Alex.
Nagkomento naman ang mister ni Toni na si Direk Paul Soriano ng emoji na ❤️✌?.
Samantala, nagpahayag din ng kaniyang kasiyahan ang bagong main host ng PBB na si Bianca Gonzalez, na minsan na ring naging housemate, kaya siya ang 'Dating Boarder ni Kuya'.
"It has been a tough rollercoaster of emotions this past week. To be honest, I am still trying to process so many thoughts and feelings but what I do want to share with all of you is that my heart is incredibly filled with humility and gratitude. MARAMING, MARAMING SALAMAT. ❤️??."