Hindi pa handa ang Metro Manila na isailalim sa COVID-19 Alert Level 1, lalo na pa't patuloy ang national election campaign.

Ito ang babala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año nitong Linggo, Pebrero 13, dahil sa Pebrero 15 ay maglalabas muli ng panibagong quarantine guidelines ang Inter-Agency Task Force (IATF) at ito ay magkakabisa hanggang Pebrero 28.

“Sa mga susunod na araw, kailangan talaga tayong magbantay pa dahil alam natin na papalapit nang papalapit ‘yan. Paigting nang paigting ‘yung kanilang pangangampanya, lalo na kapag pumasok na ‘yung local election period," pahayag nito sa isang radio interview.

Simula Marso 25, mangangampanya na ang mga kandidato para sa House of Representatives, regional, provincial, city, at municipal positions.

National

Enrile, 'tinakot' OFWs na sasali sa protestang 'Zero Remittance Week'

"'Pag sinabi nating Alert Level 1, minimum public health standards na lang maiiwan diyan tapos lahat pwede na, 100 percent na halos lahat ng activity. Baka mabilaukan tayo rito," babala pa ng opisyal.