Napanatili ng Meralco Bolts ang malinis na kartada nang ilampaso ang Barangay Ginebra, 101-95 sa 2021 PBA Governors’ Cup sa  Smart-Araneta Coliseum nitong Linggo, Pebrero 13.

Ginamit ng Bolts ang tikas ng import na si Tony Bishop nang kumubra ng double-double, 30 puntos at 13 rebounds.

Kabilang din sa tumulong sa kanya si Chris Banchero na may 12 puntos, apat na rebounds at tatlong assists sa una niyang laro sa Meralco.

Hindi rin nagpabaya sa kanilang trabaho sina Cliff Hodge at Allein Maliksi na kumana naman ng three points sa natitirang 1:58 sa orasan, na nagbigay sa kanila ng kalamangan, 99-91.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mula sa nasabing kalamangan, hindi na nakahabol ng Gin Kings hanggang sa sila ay matalo.