Ipinagmalaki ng dating child star na si Xyriel Manabat ang kaniyang chest piercing sa kaniyang Instagram post nitong Pebrero 11, 2022, na umani ng samo't saring reaksyon sa mga netizen.

Makikita sa kaniyang mga ibinahaging litrato ang apat na piercing na ipinagawa niya sa 'Don Antonio Tattoo and Piercing' kung saan ang isa ay nasa bandang leeg, at ang tatlo naman ay nasa bandang cleavage.

Screengrab mula sa IG/Xyriel Manabat

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Screengrab mula sa IG/Xyriel Manabat

Screengrab mula sa IG/Xyriel Manabat

Screengrab mula sa IG/Xyriel Manabat

Screengrab mula sa IG/Xyriel Manabat

Screengrab mula sa IG/Xyriel Manabat

Aniya, ito raw ay 'naudlot' na kabilang sa bucket list niya noong December 2021. "Achieving my 'naudlot' December 2021 bucket list," ayon sa caption ni Xyriel.

"Thank u so much @da.tattoo sa pagtiyaga sa bunganga ko, love ko kayo!" aniya pa.

Ang tawag sa ipinagawa ni Xyriel ay 'sternum piercing' kung saan inilalagay ang mga hikaw sa pagitan ng dibdib o cleavage. Ngiting-wagas naman si Xyriel sa kaniyang mga litrato at mukhang hindi alintana ang kirot ng paglalagay nito.

Marami naman sa mga netizen ang nagpaabot ng pagbati sa kaniya, kabilang na ang TV5 news anchor na si Christine Bersola-Babao, misis ng kalilipat lamang sa TV5 na si 'Frontline' news anchor Julius Babao. May mga nagulat pa dahil ang laki na raw ni Xyriel, na huling napanood bilang batang 'Lily Cruz/Ivy Aguas' sa teleseryeng 'Wildflower' na pinagbidahan ni Maja Salvador noong 2017 hanggang 2018, sa ABS-CBN.

Nakilala si Xyriel bilang child star sa mga teleseryeng 'Agua Bendita' noong 2010 na pinagbidahan ni Andi Eigenmann, at sa '100 Days to Heaven' bilang batang Coney Reyes, kasama naman si Jodi Sta. Maria, na ngayon ay bida naman sa 'The Broken Marriage Vow'.