Naiuwi ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang una niyang titulo sa 2022 matapos pagharian ang Orlen Cup sa Lodz, Poland nitong Sabado.

Ginapi ni Obiena sinaTokyo Olympics participants Thiago Braz (Brazil) at hometown favorite Lisek Piotr (Poland) na kapwa nalagpasan ang5.71 meters. Gayunman, itinanghal na second place si Braz nang magkaroon ng countback.

Unang nalampasan ni Obiena ang5.01m, ikalawa ang 5.21m at 5.41m bago lundagin ang5.51 sa unang pagtatangka.

Nagtagumpay din si Obiena nang lundagan ang5.61m bago tuluyang maisagawa ang malinis na rekord sa 5.71m at 5. 81m.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Matatandaang nabigo si Obiena at naka-fourth lang saISTAF Indoorsa Berlin, Germany nitong Pebrero 5 at pang-walo lamangBeijer Stavhoppsgala tournamentsa IFU Arena in Uppsala, Sweden dalawang araw na ang nakararaan. Hindi nalusutan ni Obiena ang5.81m sa nasabng dalawang torneo.

Bukod dito, hinihintay na lamang ni Obiena ang sasalihangMeeting Hauts-De-France sa Lievin, France sa Pebrero 17 at sa Pebrero 22 naman ay saOrlen Copernicus Cup sa Torun, Poland.