Naging usap-usapan sa social media ang dokumentaryong “Ibinasurang Paraiso” ng award-winning broadcast journalist na si Kara David patungkol sa isang lupain ng mga Ayta sa Subic, Zambales, na ginawa umanong dumpsite o tambakan ng basura.
Sa naturang dokumentaryo, mapapanood na labis na nasasaktan ang mga katutubong Ayta sa dinanas at inabot ng nasabing lugar—na dati raw ay kanilang taniman, at maging kuhaan ng pagkain at inumin.
MAKI-BALITA: Pagtambak ng basura sa lupain ng mga Ayta, pinaalingasaw ni Kara David!-Balita
Gayong isa ito sa mga dumpsite na tila walang wastong regulasyon mula sa lokal na pamahalaan, ilan pa kayang dumpsite o tambakan ang kasalukuyang nananatiling bukas at tapunan ng iba’t ibang uri ng basura?
Sa kabila nito, may listahan naman ang Solid Waste Management Division ng Department of Environment and Natural Resources - Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ng sanitary landfills sa buong bansa—na sa kasalukuyan ay nananatiling bukas at nagsisilbi sa iba’t ibang local government units (LGUs) sa Pilipinas.
Ayon sa DENR-EMB, mayroong 397 operational sanitary landfills mula sa 16 rehiyon ng Pilipinas—na nagsisilbi sa 805 LGUs sa buong bansa.Narito ang bilang ng operational sanitary landfills sa kada rehiyon sa Pilipinas, batay sa tala ng DENR-EMB as of June 2026:
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION (CAR)
Ang CAR ay mayroong 14 operational sanitary landfills—na pinakikinabangan ng 17 LGUs sa buong rehiyon.
May tigta-tatlong sanitary landfills ang Apayao, Benguet, at Ifugao; tig-dalawa naman ang Kalinga at Mountain Province; habang isa naman sa Abra.
Nakakalap sa CAR ang 62.25 tonelada ng basura kada araw; kung saan pinakamalaking bahagi nito—na aabot sa 35 tonelada kada araw—ay napapadpad sa Sanitary Landfill Facility Category II / LGU La Trinidad, sa lalawigan ng Benguet.
ILOCOS REGION (REGION I)
Ang Ilocos Region ay mayroong 59 operational sanitary landfills, kung saan 137 LGUs ang nakikinabang.
19 mula sa La Union; 17 sa Ilocos Norte; 15 sa Ilocos Sur; at 8 sa Pangasinan.
Aabot sa 651.22 tonelada ng basura ang nakukuha sa buong rehiyon kada araw.
Pinakamalaking bahagi nito ay napupunta sa Joint Venture of Metrowaste Solid Waste Management Corporation at City Government of Urdaneta, Pangasinan—500 tonelada ng basura kada araw ang napupunta dito.
CAGAYAN VALLEY (REGION II)
Ang Lambak ng Cagayan ay mayroong 65 operational sanitary landfills sa kabuuan, kung saan 77 LGUs ang napagsisilbihan.
23 dito ay mula sa Isabela; 20 sa Cagayan; 15 sa Nueva Vizcaya; 6 sa Quirino; at 1 sa Batanes.
Tinatayang aabot sa 135.07 tonelada ng basura ang nakakalap sa buong rehiyon—kung saan 34.12 tonelada ay napupunta lamang sa Cauayan City Sanitary Landfill (Category 1) sa Isabela.
CENTRAL LUZON (REGION III)
Ang Gitnang Luzon ay mayroong 17 operational sanitary landfills, na nagsisilbi sa 86 LGUs sa buong rehiyon.
Ang probinsya ng Aurora at Zambales ay may tig-apat na operational sanitary landfills; habang tigta-tatlo naman ang Bataan, Nueva Ecija, at Pampanga.
Aabot sa 9,328 tonelada ng basura ang nakakalap sa buong Central Luzon—kung saan 3,500 tonelada nito ay napupunta sa Florida Enviro Corp. sa Pampanga.
CALABARZON (REGION IV-A)
Ang CALABARZON ay may 52 operational sanitary landfills, na tumutulong sa 145 LGUs sa rehiyon.
27 dito ay mula sa Quezon Province; 12 sa Batangas; 8 sa Laguna; 4 sa Rizal; at 1 sa Cavite.
Aabot sa 12,332.88 tonelada ng basura ang naiipon ng rehiyon kada araw—6,000 tonelada nito ay napapadpad sa San Mateo Sanitary Landfill Development Corporation sa Rizal.
MIMAROPA (REGION IV-B)
Ang MIMAROPA ay may 21 operational sanitary landfills sa rehiyon, na nagsisilbi sa 23 LGUs sa lima nitong lalawigan.
8 sa Palawan; 6 sa Romblon; 4 sa Oriental Mindoro; 2 sa Occidental Mindoro; at 1 sa Marinduque.
Tinatayang 53.50 tonelada ng basura ang nakukuha sa MIMAROPA kada araw—kung saan 11 tonelada nito ay napupunta sa Categorized Sanitary Landfill Project - Coral Bay Nickel Corporation sa Palawan.
BICOL REGION (REGION V)
Ang Rehiyon ng Bicol ay may 12 operational sanitary landfills, na nagsisilbi sa 39 LGUs sa rehiyon.
4 sa Camarines Sur; 3 sa Albay; tig-dalawa sa Camarines Norte at Masbate; habang 1 naman sa Sorsogon.
Nakakalap sa buong rehiyon ang 281.42 tonelada ng basura kada araw.
Napapadpad naman sa Naga City SLF / Waste-To-Energy ang pinakamalaking bahagi nito, na aabot sa 95 tonelada kada araw.
WESTERN VISAYAS (REGION VI)
Ang Western Visayas ay may 8 operational sanitary landfills, na nagsisilbi sa 54 LGUs sa rehiyon.
3 sa mga ito ay matatagpuan sa Iloilo; 2 sa Capiz; habang tig-iisa ang Aklan, Antique, at Guimaras.
Aabot sa 484.56 tonelada ng basura araw-araw ang nakukuha sa rehiyon—kung saan napupunta sa Iloilo City Engineered Sanitary Landfill ang pinakamalaking bahagi na aabot sa 305 tonelada.
NEGROS ISLAND REGION (NIR)
Ang NIR ay may 20 operational sanitary landfills sa buong rehiyon—na nagsisilbi sa 38 LGUs sa Negros Occidental at Oriental.
May 12 landfills sa Occidental, habang 8 naman sa Oriental.
Umaabot sa 854.22 tonelada ang mga naiipong basura sa rehiyon kada araw—kung saan natatanggap ng Sanitary Landfill Facility of Bacolod City / ISWIMS Inc. ang pinakamalaking bahagi na 600 tonelada.
CENTRAL VISAYAS (REGION VII)
May 8 operational sanitary landfills sa Rehiyon 7, na tumutulong sa 51 LGUs.
7 sa mga ito ay mula sa Cebu; habang 1 naman sa Bohol.
Umaabot sa 925 tonelada ng basura araw-araw ang nakukuha sa rehiyon.
Napupunta sa Prime Integrated Waste Solutions Inc. (Formerly ARN Central Waste Management Inc.) ang pinakamalaking parte, na umaabot sa 573 tonelada kada araw.
EASTERN VISAYAS (REGION VIII)
Mayroong 21 operational sanitary landfills sa buong Eastern Visayas, na nagsisilbi sa 21 LGUs.
12 sa mga ito ay mula sa Leyte; 4 sa Eastern Samar; 3 sa Samar; at tig-isa sa Northern Samar at Southern Leyte.
411.78 tonelada ng basura araw-araw ang naiipon ng Eastern Visayas.
Napupunta sa Balangiga SLF sa Eastern Smaar ang pinakamalaking bahagi nito, na umaabot sa 171 tonelada.
ZAMBOANGA PENINSULA (REGION IX)
May 6 operational sanitary landfills sa buong Rehiyon IX, na nagsisilbi sa 6 LGUs.
3 dito ay nasa Zamboanga del Norte; 2 ay sa Zamboanga del Sur; habang 1 sa Zamboanga Sibugay.
Umaabot sa 391.84 tonelada ang nakokolekta sa rehiyon kada araw.
Pinakamalaking bahagi ay napupunta sa Salaan Sanitary Landfill sa Zamboanga del Sur, na umaabot sa 200 tonelada.
NORTHERN MINDANAO (REGION X)
Ang Northern Mindanao ay may 39 operational sanitary landfills, na tumutulont sa 43 LGUS sa rehiyon.
21 ay mula sa Bukidnon; 7 ay sa Misamis Oriental; 6 sa Lanao del Norte; 4 sa Misamis Occidental; habang 1 sa Camiguin.
Umaabot sa 591.46 tonelada ng basura araw-araw ang naiipon sa rehiyon—kung saan napapadpad sa Cagayan de Oro City ang pinakamalaking parte na tinatayang umaabot sa 460 tonelada.
DAVAO REGION (REGION XI)
Ang Rehiyon ng Davao ay mayroong 16 operational sanitary landfills, na tumutulong sa 16 LGUs.
6 dito ay mula sa Davao de Oro; 4 sa Davao del Norte; 4 sa Davao del Sur; at 2 sa Davao Oriental.
Tinatayang aabot sa 1,126.12 tonelada ng basura ang naiipon sa rehiyon kada araw—kung saan napupunta sa Davao City Sanitary Landfill Project ang 786 tonelada.
SOCCSKSARGEN (REGION XII)
May 29 sanitary landfills sa Region XII, na tumutulong sa 37 LGUs sa rehiyon.
13 dito ay mula sa lalawigan ng Cotabato; 7 sa Sultan Kudarat; 6 sa Sarangani; at 4 sa South Cotabato.
Humigit-kumulang 300 tonelada ang naiipong basura sa rehiyon kada araw.
Napupunta naman sa General Santos City Ecological Waste Management Facility ang pinakamalaking bahagi, na umaabot sa 110 tonelada.
CARAGA (REGION XIII)
Ang CARAGA ay may 10 operational sanitary landfills sa kabuuan.
Pinagsisilbihan nito ang 15 LGUs sa rehiyon.
3 sa mga ito ay matatagpuan sa Surigao del Sur; tigda-dalawa sa Agusan del Norte, Agusan del Sur, at Surigao del Norte; habang 1 naman sa Dinagat Islands.
172.89 tonelada ng basura ang nakakalap sa rehiyon kada araw—kung saan napupunta sa Surigao City Sanitary Landfill Project ang pinakamaraming parte, na tinatayang umaabot sa 70 tonelada.