Tumalak si Senator-Judge Alan Peter Cayetano hinggil sa nakaambang imbestigasyon sa kaniya ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa umano’y anomalya sa 2019 Southeast Asian Games (SEA GAMES) na isinagawa sa Pilipinas bilang host country.
Sa pagdinig nitong Biyernes, Hulyo 15, 2026, tahasang iginiit ni Cayetano na nakahanda raw siyang ilaban ang alegasyong iniuugnan sa kaniya.
“The chilling effect is there. Am I intimidated? Wala na akong choice. Ilalaban ko na ito. Bumaliktad man ang sitwasyon,” ani Cayetano.
Pahabol pa niya, “Kung may anomalya, ako ang unang magagalit.”
Matatandaang tinututukan na ng NBI ang umano’y iregularidad sa mga pondo para sa isang sports complex sa New Clark City sa Tarlac na ginamit noong 2019 SEA Games.
Ayon kay NBI director Melvin Matibag, nakarating sa kanila ang impormasyong may bilyon-bilyong pisong pondo na may kaugnayan sa proyekto na hindi pa umano nali-liquidate.
Lumitaw din ang alegasyon na nakatanggap ng humigit-kumulang ₱10-bilyong bayad ang isang pribadong kumpanya nang wala umanong bidding, sa pamamagitan ng congressional
Insertions.
Hiwalay ito sa kontrobersyal na cauldron na muli rin umanong sisilipin ng NBI.
Samantala, pinuna rin ni Sen. Pia Cayetano ang umano’y pressure at intimidation sa kaniyang kapatid.
“Payag ba tayo sa ganito? Ganito na ba tayo dito ngayon?” ayon sa senadora.
“Why would you allow a director who’s just called to be a witness next week brag that he’s going to investigate (Sen. Alan Peter)?”
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag si NBI Dir. Matibag hinggil sa tugon nina Sen. Alan at Sen. Pia.