Walang prenong ipinahayag ni dating Pinoy Big Brother housemate Dawn Chang ang kaniyang naramdaman nang suportahan ng dating main host ng reality show na si Toni Gonzaga ang kandidatura ng UniTeam, na pinangungunahan nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte.

Saad ni Dawn na isang certified Kakampink sa kaniyang social media accounts, "It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga."

Image
Screengrab mula sa IG/Dawn Chang

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Image
Screengrab mula sa IG/Dawn Chang

"Paano n'yo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?"

"As a former PBB housemate, alam kong magtatampo nyan si Kuya."

Tahasang sinabi ni Dawn na ang suporta niya ay kay VP Leni.

"I cannot remain quiet. Alam ng lahat ng artista na mas 'safe' ang manahimik na lamang. Pero hindi ko po kaya. Hindi pwede. It is my privilege to lend my small voice in this battle for the soul of our country. Kaya sa aking mga kapwa Pilipino, kay @bise_leni @lenirobredo po ang suporta ko. Hindi po ako binayaran dito."

"If this is my biggest fight, then I will forever cherish standing up to what I believe in. Hindi po pera pera. Heto po ay laban ng prinsipyo. I want all of us to say "Hello" to a better Philippines."

"Today, and always, I pray for everyone's guidance. May He send us His true guardian angels."

"I will forever fight the good fight with all of my true kapamilyas and the Filipino people."

Samantala, mukhang wala namang pakialam si Toni Gonzaga sa mga tiradang natatanggap niya ngayon kaugnay ng pagsuporta sa kandidatura ni BBM. Nag-post pa siya sa kaniyang IG story na sinabihan niyang 'You're welcome, my President' ang ineendorsong kandidato, na ninong nila sa kasal ng mister na si Direk Paul Soriano, na siya namang nagdirehe ng UniTeam proclamation rally.