May payo o tips si 'Fearless Diva' Jona Viray sa mga taong nakararanas na mapagpiyestahan o mapagtsismisan ng mga 'Marites' o makabagong tawag sa mga tsismosa ngayon.

"Pag narinig mong pinagtsitsismisan ka ng mga Marites mong kapitbahay… Pero girl… walk past ka na lang, just flip your bangz and say 'Lord bless them'…. coz you know you are better than that!" aniya, kalakip ang dalawang litrato niya na nag-flip siya ng hair habang naglalakad, habang suot ang outfit para sa musical variety show na 'ASAP Natin 'To'.

Screengrab mula sa FB/Jona

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Samantala, may isang basher naman ang nagkomento sa kaniya.

Sana may feeling of gratitude kung sino ang nag-develop sa'yo. Lingon-lingon din sa pinanggalingan," ayon sa basher.

Bagay na agad namang binasag ng singer.

"Hi Dorotea!Kindly click and read the whole article. Just in case you missed reading this, here it is," sabi ni Jona at inilagay ang ilang mga talata mula sa showbiz news hinggil sa kaniya.

"Jona on being grateful to GMA-7 and ABS-CBN: 'Sobrang nagpapasalamat ako doon. And nagpapasalamat din ako sa GMA for understanding, for allowing me and for ALL the support din nila sa akin noong mga panahon na iyon. Thankful din naman ako sa ABS din noong simula na iyon kasi in-open din nila iyong door para sa akin."

"Thank you and have a good day!" saad pa niya.

Screengrab mula sa FB/Jona

Matatandaang nagsimula si Jona o Jonalyn Viray bilang grand winner ng singing reality show ng GMA Network na 'Pinoy Pop Superstar' noong 2004 na hinost ng dati ring Kapusong si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, na ngayon ay nasa Kapamilya Network na at kasama na ni Jona sa ASAP.

Naging bahagi siya ng mga naging musical variety show ng Kapuso Network gaya ng 'SOP' at 'Party Pilipinas'. Nabuo ang trio nilang 'La Diva' nina Maricris Garcia at Aicelle Santos.

2016 nang lumipat siya sa ABS-CBN at nagkaroon siya ng rebranding bilang 'Jona'.

Noong 2021 ay saglit siyang nag-showbiz hiatus o namahinga sa limelight upang asikasuhin ang ilang mga personal na bagay. Nitong 2022 ay balik-ASAP na siya.