Nanawagan si Davao City Mayor at vice presidential candidate Sara Duterte sa Kongreso na magpasa ng batas na magtaas ng suweldo ng mga barangay worker sa bansa.

Sa pahayag ng partido ng alkalde na Hugpong ng Pagbabago (HNP), mahirap ang trabaho ng mga ito dahil sila ang nauunang tumutulong sa city at municipal government.

Aniya, hindi dapat magtrabaho ng walong oras o higit pa ang mga tauhan ng barangay dahil hindi naman sila nababayaran nang husto sa kabila ng kanilang kontribusyon sa mga programa ng gobyerno para sa ordinaryong mamamayan.

“They are not well compensated and yet we are always tapping them for help. It’s time for Congress to discuss the standardization of our barangay volunteer’s wages,” paliwanagng alkalde.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Idinagdag pa nito na babad ang mgaBarangay Health Workers (BHWs) sa labas at nakikisalamuha sa iba't ibang mamamayan upang maipatupad ang mga programang pangkalusugan ng lungsod at ng municipal health offices.

PNA