Kinaaaliwan ngayon sa social media ang Facebook post ng sikat na page na 'Senyora' kung saan ibinuking nito na naka-block umano ang Twitter account niya kay Kapamilya actress at It's Showtime' host na si Kim Chiu.

Ayon sa caption, "Babatiin ko sanang Happy Chinese New Year si Kim Chiu kaso…" at kalakip ang 'resibo' na naka-block umano ang Twitter account ni 'Senyora' kay Kimmy.

May be an image of 2 people and text that says '8:47 ..ll 5G kim chiu @prinsesachinita Follow @prinsesachinita blocked you You are blocked from following @prinsesachinita and viewing @prinsesachinita's s Tweets.'
Kim Chiu (Screengrab mula sa FB/Senyora)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Dasurbb?" pahabol na tanong ni 'Senyora' sa kaniyang comment section.

Bumaha naman ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen, lalo na sa mga kilalang celebrity.

'Madam Aivan' ng 'Bakla ng Taon' o BNT group: "Mare, wala masyadong ganap sa Twitter niya. Keri lang walang chismis."

Juliana Parizcova Segovia: "Senyora gusto ka rin sana n'ya batiin ng Kung Hei FLAT Choi. Oh loko!"

Direk Darryl Yap: "DASURB! hahahahahaha."

Nagtanong din dito ang 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza.

"Senyora Mars, hindi sa nakikitsismis ako pero parang gano'n na nga. An'yare? Chika mo naman yarn…"

Pabirong sagot ni Senyora, "Tinanong ko ano vitamins n’ya. Nagalit."

Screengrab mula sa FB/Senyora

Samantala, sa kaniyang Instagram posts naman ay makikitang tahimik na naki-celebrate si Kimmy sa Chinese New Year noong Pebrero 1, 2022.

"Kung Hei Fat Choi!!!!" pagbati ni Kim.

"May this New Year bring many opportunities your way, to explore every joy of life and may your resolutions for the days ahead stay firm, turning all your dreams into reality and all your efforts into great achievements!!!"

"May the Chinese new year bring you joy and prosperity! HAPPY YEAR OF THE WATER TIGER everyone!!!!"

Screengrab mula sa IG/Kim Chiu

Samantala, wala pang tugon si Kimmy sa umano'y pamba-block niya sa 'Senyora' page.