Hiniling ni Senator Leila de Lima sa MuntinlupaRegional Trial Court na payagan siyang makausap sa pamamagitan ngvideo meeting ang kanyang 89-anyos na ina na kasalukuyang nasamalubhang kalagayan mataposmagpositibosa coronavirus disease 2019 (COVID-19)nitongnakaraang buwan.

Kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) sa Villanueva-TanchulingHospital sa Iriga City, ang ina ng senador na si Norma Magistrado-De Limamatapos na mahawaan ng virus nitongEnero 10.

Patuloy aniyang humhina ang vital organs ng kanyang ina kaya nagpasya siyang humiling sa korte na mapagbigyan siyang makausap ito.

Kasalukuyang nakakulong si De Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame dahil sa kinakaharap na drug cases na may kaugnayan sa umano'y bentahan ng illegal drugs sa National Bilibid Prison (NBP) ilang taon na ang nakararaan.

Probinsya

Kumpareng lasing na aksidenteng 'tinuhog' si kumare, nasakote

Leonel Abasola