Kamakailan lamang ay inanunsyo ng aktor at TV host na si Edu Manzano ang pagsuporta niya sa kandidatura ni Atty. Chel Diokno bilang senador sa darating na halalan 2022.

Napag-alaman kasi ni Edu na ang ama ni Atty. Chel daw ang abogado ng kanilang pamilya, kaya garantisado umano ang integridad, pagkamatapat, at patriyotismo nito.

"Look what I found on a lazy Saturday afternoon… Atty. Chel Diokno’s @ChelDiokno Dad was our family lawyer in 1961. My dad always spoke highly of the Diokno Family. Integrity, honesty and patriotism were at the top of the list."

AC Bonifacio, cool na sinagot basher na nagsabing mamatay na siya

Screengrab mula sa Twitter/Edu Manzano

Image
Screengrab mula sa Twitter/Edu Manzano

Agad namang sumagot dito si Atty. Chel, "Wow, this is a gem! Thank you for this @realedumanzano! My father’s example of integrity, honesty, and patriotism are what I strive to live up to everyday."

Screengrab mula sa Twitter/Edu Manzano

Noong Enero 31 ay may cryptic tweet si Edu.

"2016 - 54M voters. Duterte - 16.6M votes. What happened to the 37.4M?" aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Edu Manzano

Narito naman ang iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen:

"Sana walang dayaan. Ngayon pa lang nagpapahiwatig na si #comollect. Nangangamoy 7-hour glitch ulit!"

"Kay Roxas 9.7M, Grace 8.7M, Binay 5.3M, Mirriam 1.4M, Roy 25K. More or less 13M hindi bomoto sa pagkapangulo. Sa May 9 kaya?"

"Karamihan sa mga taong 'yun walang paki at nabibili o nababayaran noon at ngayong darating na eleksyon…"

"Nahati-hati because most of the candidates cannot go beyond their personal ambition and greed for money and lust for power."

"Hopefully may magpanukala ng pagbabago sa election kung saan kung walang makakuha ng majority votes, yung top 2 ay magface off sa 2nd round of voting at kung sino makakuha ng majority votes ang siyang panalo..tawag dito runoff election na ginagawa sa Europe. ex. France, Germany."

Samantala, may isa pang makahulugang tweet si Edu.

"To those who like to criticize, yes, you’re entitled to your OWN opinion. I can accept that. But… you’re not entitled to your OWN facts. TRUTH IS TRUTH."

Screengrab mula sa Twitter/Edu Manzano

Bagay na bumaha rin ng reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"HOW is truth subjective? Sa fantasy world ba 'yan? The truth may favor one or another. Just because it doesn't favor your view does not mean it's not the truth."

"TRUTH can be subjective, deprived of evidence, it's not FACTUAL."

"The problem is how people delude themselves into thinking what they believe in is "the truth". It's been present in talks of religion, politics, etc. There is truth, that is undeniable. How to identify what really is true, that's the hard part."

Si Edu Manzano ay isa sa mga celebrity na nagpahayag ng pagsuporta kay Vice President Leni Robredo sa darating na halalan 2022.

"Leni deserves a lot more credit… Good job!” saad ni Edu sa naging takbo ng presidential interview ni Boy Abunda kay VP Leni.